June 4, 2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 4, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,450 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,382 na gumaling at 181 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (60,794) ang aktibong kaso, 93.4% (1,173,006) na ang gumaling, at 1.72% (21,537) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 2, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na naitest at 2.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.