June 3, 2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 3, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,217 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,483 na gumaling at 199 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (55,790) ang aktibong kaso, 93.8% (1,170,752) na ang gumaling, at 1.71% (21,357) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 01, 2021 ngunit mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.29% sa lahat ng samples na naitest at 0.12% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.