June 1, 2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,177 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,230 na gumaling at 46 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (53,203) ang aktibong kaso, 94.0% (1,161,252) na ang gumaling, at 1.70% (21,012) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 31, 2021 ngunit mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 4.3% sa lahat ng samples na naitest at 6.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.