
Ngayong 4 PM, Mayo 31, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,684 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,098 na gumaling at 107 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (54,290) ang aktibong kaso, 93.9% (1,155,045) na ang gumaling, at 1.70% (20,966) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 29, 2021 ngunit mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.