Ngayong 4 PM, Mayo 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,748 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,017 na gumaling at 187 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (53,770) ang aktibong kaso, 93.9% (1,134,818) na ang gumaling, at 1.70% (20,566) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 26, 2021 ngunit mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 2.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.