
Ngayong 4 PM, Mayo 27, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,483 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,335 na gumaling at 210 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (48,109) ang aktibong kaso, 94.3% (1,131,942) na ang gumaling, at 1.70% (20,379) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 25, 2021 ngunit mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na naitest at 3.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.