May 24, 2021

Ngayong 4:30 PM, Mayo 24, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,973 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,666 na gumaling at 39 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (48,917) ang aktibong kaso, 94.2% (1,115,806) na ang gumaling, at 1.69% (19,983) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 22, 2021 ngunit mayroong 6 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.