May 22, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 22, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,831 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,981 na gumaling at 183 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (54,326) ang aktibong kaso, 93.7% (1,103,945) na ang gumaling, at 1.69% (19,946) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga ay operational noong May 20, 2021 ngunit mayroong 3 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.