
Ngayong 4 PM, Mayo 19, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,700 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,986 na gumaling at 136 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (49,951) ang aktibong kaso, 94.0% (1,089,613) na ang gumaling, at 1.68% (19,507) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 17, 2021 ngunit mayroong 7 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 4.4% sa lahat ng samples na naitest at 6.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.