May 16, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 16, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,790 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,541 na gumaling at 140 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (54,904) ang aktibong kaso, 93.5% (1,069,868) na ang gumaling, at 1.68% (19,191) ang namatay.

Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang testing output ng mga laboratoryo noong Biyernes (14 May 2021).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.