May 12, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 12, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,842 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 8,312 na gumaling at 94 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (53,214) ang aktibong kaso, 93.6% (1,046,431) na ang gumaling, at 1.67% (18,714) ang namatay.

Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang testing output ng mga laboratoryo noon Lunes (10 May 2021).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.