May 11, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 11, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,734 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,837 na gumaling at 59 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (56,752) ang aktibong kaso, 93.2% (1,038,175) na ang gumaling, at 1.67% (18,620) ang namatay.

Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang bilang ng mga samples na natanggap ng mga laboratoryo at hindi pagsumite ng datos ng 12 laboratoryo noong Linggo.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.