May 6, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 6, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,637 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,091 na gumaling at 191 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% (63,170) ang aktibong kaso, 92.5% (999,011) na ang gumaling, at 1.67% (17,991) ang namatay.
Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang bilang ng mga samples na natanggap ng mga laboratoryo noong Martes.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.