May 5, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 5, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,685 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 8,961 na gumaling at 178 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% (62,713) ang aktibong kaso, 92.5% (993,042) na ang gumaling, at 1.66% (17,800) ang namatay.

Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mababang bilang ng mga samples na natanggap ng mga laboratoryo noong nakaraang Sabado at Linggo.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.