May 3, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 3, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,255 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,214 na gumaling at 94 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.5% (69,466) ang aktibong kaso, 91.8% (975,234) na ang gumaling, at 1.65% (17,525) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.