May 1, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,226 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,809 na gumaling at 120 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.9% (72,248) ang aktibong kaso, 91.4% (957,051) na ang gumaling, at 1.66% (17,354) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.