
April 30, 2021
Ngayong 4 PM, Abril 30, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,748 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,143 na gumaling at 89 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (73,908) ang aktibong kaso, 91.2% (946,318) na ang gumaling, at 1.66% (17,234) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.