
April 28, 2021
Ngayong 4 PM, Abril 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,895 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,739 na gumaling at 115 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (67,769) ang aktibong kaso, 91.7% (935,695) na ang gumaling, at 1.67% (17,031) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.