April 27, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 27, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,204 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,109 na gumaling at 63 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (71,675) ang aktibong kaso, 91.3% (925,027) na ang gumaling, at 1.67% (16,916) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.