April 24, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 24, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,661 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 22,877 na gumaling at 145 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.0% (89,485) ang aktibong kaso, 89.3% (883,221) na ang gumaling, at 1.69% (16,674) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.