
April 23, 2021
Ngayong 4 PM, Abril 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,719 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 13,812 na gumaling at 159 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 10.5% (102,799) ang aktibong kaso, 87.8% (860,412) na ang gumaling, at 1.69% (16,529) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.