
April 17, 2021
Ngayong 4 PM, Abril 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 11,101 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 799 na gumaling at 72 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 22.0% (203,710) ang aktibong kaso, 76.3% (706,532) na ang gumaling, at 1.71% (15,810) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.