April 14, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 14, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,122 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 501 na gumaling at 162 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 19.4% (173,047) ang aktibong kaso, 78.9% (704,386) na ang gumaling, at 1.73% (15,447) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

Note: Ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot ng mas mababang testing output ng mga laboratoryo noong Lunes (12 April 2021). Patuloy na nakikipagtulungan ang DOH sa mga laboratoryo upang masiguro ang tuloy tuloy na operasyon at mataas na testing output bawat araw.