April 13, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,571 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 400 na gumaling at 137 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 18.7% (165,534) ang aktibong kaso, 79.6% (703,963) na ang gumaling, at 1.73% (15,286) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.