April 11, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 11, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 11,681 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 55,204 na gumaling at 201 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 16.9% (146,519) ang aktibong kaso, 81.3% (703,404) na ang gumaling, at 1.73% (14,945) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.