
April 18, 2021
Ngayong 4 PM, Abril 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 10,098 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 72,607 na gumaling at 150 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 15.1% (141,089) ang aktibong kaso, 83.2% (779,084) na ang gumaling, at 1.70% (15,960) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.