
March 30, 2021
Ngayong 4 PM, Marso 31, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,128 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 491 na gumaling at 106 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 17.4% (130,245) ang aktibong kaso, 80.8% (603,746) na ang gumaling, at 1.78% (13,297) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.