
March 30, 2021
Ngayong 4 PM, Marso 30, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,296 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 103 na gumaling at 5 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 16.8% (124,680) ang aktibong kaso, 81.4% (603,310) na ang gumaling, at 1.78% (13,191) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.