March 29, 2021

Ngayong 4 PM, Marso 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 10,016 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 78 na gumaling at 16 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 15.8% (115,495) ang aktibong kaso, 82.4% (603,213) na ang gumaling, at 1.80% (13,186) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.