
March 20, 2021
Ngayong 4 PM, Marso 20, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,999 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 597 na gumaling at 30 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.3% (80,642) ang aktibong kaso, 85.7% (562,484) na ang gumaling, at 1.97% (12,930) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.