
March 19, 2021
Ngayong 4 PM, Marso 19, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,103 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 390 na gumaling at 13 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 11.3% (73,264) ang aktibong kaso, 86.7% (561,902) na ang gumaling, at 1.99% (12,900) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.