
March 18, 2021
Ngayong 4 PM, Marso 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,290 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 439 na gumaling at 21 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 10.4% (66,567) ang aktibong kaso, 87.6% (561,530) na ang gumaling, at 2.01% (12,887) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.