March 9, 2021

Ngayong 4 PM, Marso 9, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,668 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 171 na gumaling at 7 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.0% (41,822) ang aktibong kaso, 90.9% (546,078) na ang gumaling, at 2.09% (12,528) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.