
February 26, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 26, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,651 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 561 na gumaling at 46 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.0% (34,498) ang aktibong kaso, 91.8% (524,582) na ang gumaling, at 2.14% (12,247) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.