
February 20, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 20, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,240 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 504 na gumaling at 239 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.1% (34,100) ang aktibong kaso, 91.7% (513,120) na ang gumaling, at 2.16% (12,068) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.