
February 18, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,744 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 412 na gumaling at 96 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (31,115) ang aktibong kaso, 92.3% (512,375) na ang gumaling, at 2.10% (11,673) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.