February 17, 2021

Ngayong 4 PM, Pebrero 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,184 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 271 na gumaling at 53 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (29,814) ang aktibong kaso, 92.5% (512,033) na ang gumaling, at 2.09% (11,577) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.