February 16, 2021

Ngayong 4 PM, Pebrero 16, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,391 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 45 na gumaling at 7 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (28,926) ang aktibong kaso, 92.7% (511,796) na ang gumaling, at 2.09% (11,524) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.