
February 15, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 15, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,685 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 14 na gumaling at 2 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.0% (27,588) ang aktibong kaso, 92.9% (511,755) na ang gumaling, at 2.09% (11,517) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.