February 14, 2021

Ngayong 4 PM, Pebrero 14, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,928 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,967 na gumaling at 8 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (25,918) ang aktibong kaso, 93.2% (511,743) na ang gumaling, at 2.10% (11,515) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.