
February 13, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,960 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 133 na gumaling at 12 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.4% (34,967) ang aktibong kaso, 91.5% (500,781) na ang gumaling, at 2.10% (11,507) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.