
February 12, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 12, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,022 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 333 na gumaling at 26 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.1% (33,151) ang aktibong kaso, 91.8% (500,654) na ang gumaling, at 2.11% (11,495) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.