
February 10, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 10, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,345 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 276 na gumaling at 114 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (30,188) ang aktibong kaso, 92.3% (499,971) na ang gumaling, at 2.11% (11,401) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.