
February 8, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 8, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,690 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 23 na gumaling at 52 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (27,992) ang aktibong kaso, 92.7% (499,772) na ang gumaling, at 2.08% (11,231) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.