
February 6, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 5, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,894 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 397 na gumaling at 61 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.4% (34,255) ang aktibong kaso, 91.5% (488,274) na ang gumaling, at 2.07% (11,058) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.