February 2, 2021

Ngayong 4 PM, Pebrero 2, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,583 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 39 na gumaling at 67 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (30,368) ang aktibong kaso, 92.2% (487,611) na ang gumaling, at 2.06% (10,874) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.