
February 1, 2021
Ngayong 4 PM, Pebrero 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,658 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 27 na gumaling at 58 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.5% (28,891) ang aktibong kaso, 92.5% (487,574) na ang gumaling, at 2.05% (10,807) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.