
January 29, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,849 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 177 na gumaling at 48 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.7% (35,048) ang aktibong kaso, 91.2% (475,765) na ang gumaling, at 2.03% (10,600) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.