
January 28, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,169 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 60 na gumaling at 71 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.4% (33,427) ang aktibong kaso, 91.5% (475,596) na ang gumaling, at 2.03% (10,552) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.