January 23, 2021

Ngayong 4 PM, Enero 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,797 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 166 na gumaling at 54 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (33,603) ang aktibong kaso, 91.4% (467,886) na ang gumaling, at 1.99% (10,190) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.